花人局 [Hanamotase] [Filipino/Tagalog translation]

Songs   2024-11-07 17:10:57

花人局 [Hanamotase] [Filipino/Tagalog translation]

Isinantabi ang pagpapaalam, hinayaang magdala nang bulaklak,

Na walang kasiguraduhan kung kailan magwawakas ang bukang-liwayway na ito.

Ako'y bumangon sa kama nang nag-iisa

At ang bukod tanging naiwan ay ang init ng unan na ito.

Kahit na wala ako'ng natandaan na kahit isa nu'ng huling gabi,

Sa tingin ko ay parang may tao rito, ngunit kinalimutan ko ang hinalang iyon.

Ako'y inaantok pa, at hindi pa makapag-isip nang maayos,

Kahit wala akong naintindihan, Ano pa ang aking magagawa? At 'yan ay maganda na rin para sa akin.

Ang sipilyong nasa hugasan, tasang iniinuman ng iba, losyon na pang mukha na nasa istante,

Wala ako'ng mga alaala sa lahat ng mga bagay na nakapaligid sa akin,

Ang unan ay nag-aamoy na parang mga bulaklak.

Isinantabi ang pagpapaalam, hinayaang magdala nang bulaklak,

Na walang kasiguraduhan kung kailan magwawakas ang bukang-liwayway na ito.

Ako'y bumangon sa kama nang nag-iisa

At ang bukod tanging naiwan ay ang init ng unan na ito.

Kahit na wala ako'ng natandaan na kahit isa nu'ng huling gabi,

Ang suspetiya ko ay parang ako ang biktima sa sabuwatang-larong ito, ngunit baka ako ay napapa-isip lamang nang sobra.

Kahit inaantok pa, napapa-isip sa nangyari tungkol kagabi, sa tingin ko ayos na lamang na hindi ko alam, o, mas mabuti na lamang na mag-isip nang ganito.

Nagkukulay-lilang mga bulaklak na nagsisimulaklak sa durungawan, maruming lababo, ginantsilyong pambalabal sa leeg,

Ang mga bagay na ito ay wala sa aking mga alaala,

Ang kwartong ito ay tila bang nag-aamoy tagsibol.

Pinipilit abutin ang mga nagsisiliparang mga ulap na parang laro,

Ang sikat ng araw ay tila naging madilim, na parang wala namang lumalapit.

Ang palubog na araw ay sinikatan ang bintana,

At nag-iwan nang walang bakas ng pagkakaalam.

Sa totoo lang, kaunti lamang ang aking mga naalala nu'ung huling gabi,

Patuloy na mabubuhay na wala ka, at hindi na p'wedeng bumalik pa sa nakaraan.

Hanggang ngayon, iniisip ko pa rin ang bagay na iyon,

Tungkol sa iyong pag-lisan, iniwanan mo ako nang nag-iisang bulaklak.

Siguradong ika'y muli pa'ng babalik bukas,

Babalik na may ekspresyon sa mukha na parang walang nangyari

Kahit ngayon, marinig lamang ang iyong pagbubukas nang pinto,

"Pasensya na, ako'y ginabi" ang iyong tugon.

Ako ay naghihintay lamang para sa wala, maliban sa mga salitang ito,

Matiyagang naghihintay sa paglubog ng araw.

Bago ko makalimutang ang lahat-lahat, inilalarawan ang mga bulaklak sa isipan,

Ngayong araw, mapag-isa, at lumipas na ang oras, gabi na,

At ako, muling umidlip sa aking kama,

Naiwan kasama ang init na para lamang sa akin.

Ito'y katangahan, ngunit ang iyong pagmamahal ay nananatiling andito bilang isang bulaklak,

Kahit dito sa kwartong ito, ang tagsibol ay muling darating din.

Ako ay patuloy na namumuhay sa isang bayan na wala ka.

Iniwanan kasama ang init na para lamang sa akin,

Iniwanan kasama ang bulaklak na para lamang sa akin.

Ako ay naghihintay lamang para sa mga salita,

Matiyagang naghihintay sa paglubog ng araw.

See more
Yorushika more
  • country:Japan
  • Languages:Japanese
  • Genre:Pop, Pop-Rock, Rock
  • Official site:http://yorushika.com
  • Wiki:https://ja.wikipedia.org/wiki/ヨルシカ
Yorushika Lyrics more
Yorushika Featuring Lyrics more
Yorushika Also Performed Pyrics more
Excellent Songs recommendation
Popular Songs
Copyright 2023-2024 - www.lyricf.com All Rights Reserved