Kulay lyrics

Songs   2024-07-06 20:26:32

Kulay lyrics

Uwian na naman at tatambay ako sa may wifi

(Kahit mabagal)

Magbabasa 'ko ng bagong manga sabay sipsip sa aking milktea

Hinubog ako ng mundo na maging isang simpleng guhit lang

Nag-iba na nung nagchat ka

Isip ko'y paikot-ikot lang

Ang sabi mo ang cute cute ko

Ang galing mong mambola

Mas sumigla ang araw ko nang makausap ka

Binigyan mo 'ko ng kulay

Binigyan mo 'ko ng kulay

Meron na akong kulay

Notification sa aking lockscreen

Akala ko ikaw na pero yung 4438 lang

Laging naghihintay sa'yo

(Oy, lowbat na'ko)

Ayun nga! Nag-CR lang ako saglit

Pagbalik ko sa'king phone, napunit ko yung hawak kong stuffed toy

'Di ko inakalang magsasabi ka ng "I love you"

Kahit online, sinagot kita

Sa video call ka'y pikot-ikot na

Ang sabi ko ang cute cute mo

At ngayon baby na kita

Pakituloy mo na ang painting ng buhay nating dalawa

Kaya nga binigyan mo'ko ng kulay

Bunigyan mo'ko ng kulay

Meron na akong kulay

Lunchtime nang kasama ko ang friends

Di ko mapigilang ngumiti habang nagda-daydream

Oh kasalanan mo ito

Nahuli ako ng isa kaya inaasar na ako

Kahit malayo ka, nakukuha mong baguhin ang tingin ko sa mundo

Nagse-selfie, nagpapaganda

Mas mahal ko na ang sarili ko ngayon

Kaya may wish akong isa

Nangangarap nang makita ka

Ang dating buhay kong walang sigla oh ngayon may kulay na

Mahal kita

Dahil binigyan mo'ko ng kulay

Binigyan mo'ko ng kulay

Meron na akong kulay.

  • Artist:SheyChan
  • Album:Kulay (feat. Masaoka Azuki)
See more
SheyChan more
  • country:Japan
  • Languages:English, Filipino/Tagalog
  • Genre:Dance
  • Official site:
  • Wiki:
SheyChan Lyrics more
Excellent Songs recommendation
Popular Songs
Copyright 2023-2024 - www.lyricf.com All Rights Reserved