SheyChan - Ikaw Pa Rin Ang Pinakamaganda

Songs   2024-07-06 21:07:41

SheyChan - Ikaw Pa Rin Ang Pinakamaganda

Kayamanan o pagiging "lodi" ba

Ang tumutukoy sa isang dakilang tao

Iuukit ko sa awit na ito na kahit

Anong mangyari

Ikaw parin ang pinakamaganda

Mahiwagang mundo ang pilit binubuksan ng puso

(Kung san ang naggagala ay tayo lamang dalawa)

Malayang gamitin ang oras tayo nang maglaro ng online game

Sa tila malakalawakang silid (Wooo!)

Malamig kahit walang aircon

Walang magsisita na huwag tayong magpupuyat

Magaasaran at maghahampasan ng unan

Kahit alas-tres ng umaga

(Alas-tres ng umaga, nagpupuyat)

Sumisilay sa mga tala't nakasandal sa isa't isa

Paggising sa umaga tayo ay naglilibot sa mala-ice cream na parke

A-araw-arawin natin ang restaurant ni manang para marami tayong rice

Kamangha-manghang mundo

Lalo't ika'y nasa piling ko

Kung meron lang akong kapangyarihan...

(Balik tayo sa reyalidad)

Pera nga ba ang tunay na

Magbibigay sa atin ng kalayaan

Iuukit ko sa talang nasalo

Na kahit butas ang wallet

Ikaw pa rin ang pinakamaganda

Hindi lahat ng maaliwalas ay siguradong

Walang katapusan

Umakbay ka sakin at kumapit ng mahigpit

(Ambigat mo)

Ilalakbay kita sa parte ng mundong ito na nababalot ng dilim

Ang katotohanan ay sa bawat hakbang natin ngayon

Ay matatanaw natin ang mga damdamin

Ng mga gustong lumayo sa masakit na katotohanan

Gusto tumakas sa kaguluhan

Ng payak na mundong ating iniwan

Tatahakin natin to

Huwg na huwag kang lalayo

Ililigtas kita sa kalungkutan

Ngawit na ang likod ko

Tara uwi na tayo

Nagenjoy ka ba sa ating sweet date?

Pagunawa at tiwala

At walang mabigat na traffic

Ang kinakailangan

Iuukit ko sa buhay kong ito

Na kahit sa kamatayan

Ikaw paring ang pinakamaganda

  • Artist:SheyChan
  • Album:w Pa Rin Ang Pinakamaganda (feat. Kagamine Len)
See more
SheyChan more
  • country:Japan
  • Languages:English, Filipino/Tagalog
  • Genre:Dance
  • Official site:
  • Wiki:
SheyChan Lyrics more
Excellent Songs recommendation
Popular Songs
Copyright 2023-2024 - www.lyricf.com All Rights Reserved