All at Once [Filipino/Tagalog translation]
All at Once [Filipino/Tagalog translation]
Sa isang iglap,
Napaisip ako sandali at napagtanto kong
di ka na babalik!
At sa huli tumama iyon sa akin sa isang iglap
Sa isang iglap
Sinimulan kong magbilang ng mga luha, di bababa sa milyon ang pumatak
Nag-umpisa nang mamaga ang mga mata ko
at lahat ng mga pangarap ko ay nasira sa isang iglap
Mula nang makilala kita
Ikaw lamang ang pag-ibig na aking alam
At di kita malimot-limot
kahit na dapat harapin ko ito lahat ng mag-isa
Sa isang iglap,
Ako'y inaanod ng isang malungkot na dagat
Nagnanais na magbalik ka sa akin!
At yan ang tanging mahalaga ngayon
Sa isang iglap,
Ako'y inaanod ng isang malungkot na dagat
Hawak ang mga alaala
Mas masakit sa akin kaysa sa nalalaman mo
At lalong higit sa nakikita mo,
Sa isang iglap
Sa isang iglap
Tumingin ako sa paligid at natagpuang may isa ka pang kasamang iniibig!
Sa piling ng ibang tao
at lahat ng mga pangarap ko ay nasira sa isang iglap
Sa isang iglap
Ang ngiti na dating bumabati sa akin siya pang nagpapasaya sa araw ng ibang tao!
Inagaw niya ang iyong ngiti
at nag-iwan lamang ng mga alaala sa akin, sa isang iglap
Mula nang makilala kita
Ikaw lamang ang pag-ibig na aking alam
At di kita malimot-limot
kahit na dapat harapin ko ito lahat ng mag-isa
Sa isang iglap,
Ako'y inaanod ng isang malungkot na dagat
Nagnanais na magbalik ka sa akin!
At yan ang tanging mahalaga ngayon
Sa isang iglap,
Ako'y inaanod ng isang malungkot na dagat
Hawak ang mga alaala
Mas masakit sa akin kaysa sa nalalaman mo
At lalong higit sa nakikita mo,
Sa isang iglap
Sa isang iglap,
Ako'y inaanod ng isang malungkot na dagat
Nagnanais na magbalik ka sa akin!
At yan lang tanging mahalaga ngayon
Sa isang iglap,
Ako'y inaanod ng isang malungkot na dagat
Hawak ang mga alaala
Mas masakit sa akin kaysa sa nalalaman mo
At lalong higit sa nakikita mo,
Sa isang iglap
- Artist:Whitney Houston
- Album:Whitney Houston (1985)