思想犯 [Shisōhan] [Filipino/Tagalog translation]

Songs   2024-11-07 17:01:07

思想犯 [Shisōhan] [Filipino/Tagalog translation]

Ikaw, na mabuti lamang sa ibang tao, ay hindi kailanman na maiintindihan ang puso kong ito,

Nasisiyahan akong murahin ang mga tao, kaya ako nagsusulat ng mga kanta.

Pinapangarap ko balang araw na maging tampok ako sa mga umagang balita,

At para maisakatuparan iyon, hinasa ko ang aking kutsilyo.

Ang tunog ng pagkabasag nang salamin,

Ang tunog ng pagkapilas nang papel,

Ang paalam sa dapit-hapon ay napakaganda, at dapat talagang maintindihan mo!

Ang pag-awit nang uwak ay nakapinta sa kulay rosas,

At ang pangungulilang ito ay tila nagiging isang tunog.

Sa huling bakas ng dapithapon sa aking mga alaala,

Ika'y nakatiyad [1], at ang ulap ay tilang nag-aapoy, at ang salitang "Paalam" ay dumulas sa aking bibig.

Ginugustong matanggap, ginugustong mahalin,

'Eto ba ang tinatawag nilang "mga pangarap".

Kahit wala akong gawin, tuparin mo ang aking mga pangarap, bilisan mo, pasiyahin mo ako.

Ang lipunan, na mabuti lamang sa iba, kahit kailan ay hindi mauunawaan ang kainggitang ito,

Lagi akong naghahanap nang tsansa na manakit ng iba.

Ang mga ilaw ng kalye na binatuhan nang bote ng alak, ang tunog ng gitara na ibinabalibag,

Lahat ng pagsisisi na hindi na kaya muling mabalik sa pagiging maayos, kahit itong mga bagay na ito ay aking naiintindihan!

Ako ay inulanan ng mga mapanakit na salita,

At ang tag-lamig ay pumapasok habang marahan kong niyayakap ang tag-lagas sa aking mga braso.

Sa tagsibol, may usok sa likod ng bundok, ang usok ay nililipad pataas.

At ang simoy ng tag-init ay sumalubong sa aking mga pisngi.

Ikaw, na mabuti lamang sa ibang tao, ay hindi kailanman na maiintindihan ang pangungulila kong ito,

Ayaw ko'ng mamatay ngunit hindi ko na rin kayang mamuhay, kaya nagsusulat ako ng mga kanta.

Sa tingin ko, ang pagiging walang kabuluhan, kabiguan, at kahihiyan ay ang mga katangiang kanilang pinang-huhusga sa akin.

Kaya ako nagsusulat ng mga kanta na makakasakit sa tao,

At kaya ako nagsusulat ng mga kantang walang kabuluhan na kagaya nito.

Gusto ko'ng lunukin ang iyong mga salita,

Tatanggapin ko nang gamit ang aking dalawang kamay.

Bago ko napagtanto, ang aking lalamunan ay magiging basa,

At iniintay ko na lamang na mangyari iyon.

Ang awitin ng uwak ay ikinulay sa mapuslaw na pula,

At nagmamakaawa ako na maging tunog na lamang ang pangungulila kong ito,

At ang iyong paalam ay ipininta sa matingkad na pula,

At ngayon, ako ay naghihintay para sa gabi,

At ang salitang "Magkita uli ta'yo bukas" ay dumulas sa aking labi.

See more
Yorushika more
  • country:Japan
  • Languages:Japanese
  • Genre:Pop, Pop-Rock, Rock
  • Official site:http://yorushika.com
  • Wiki:https://ja.wikipedia.org/wiki/ヨルシカ
Yorushika Lyrics more
Yorushika Featuring Lyrics more
Yorushika Also Performed Pyrics more
Excellent Songs recommendation
Popular Songs
Copyright 2023-2024 - www.lyricf.com All Rights Reserved