Pag-ibig sa pag-ibig [English translation]
Pag-ibig sa pag-ibig [English translation]
Ang magmahal lalo nat wagas langit ang taas,
walang wakas kung walang bakas ng pagkukunwari.
Ang magmahal ay gawaing banal, itoy parang dasal,
humihiling, uma-asa ng walang katapusan.
(REF)
Pag-ibig kung wagas may katumbas, may kapalit,
may magmamahal at ipaglalaban
hanggang kamatayan.
Ang buhay man kahit iisa
pag nagmamahal ibibigay
kahit ang huling labas ng hininga.
Magtataka at mag-iisip
kung nagmamahal walang dilim,
kita ang daan lahat ay matuwid.
(REF)
Pag-ibig kung wagas may katumbas,
may kapalit na pag-ibig
- Artist:Florante
See more