Into the Unknown [Filipino/Tagalog translation]
Into the Unknown [Filipino/Tagalog translation]
Naririnig ka, ngunit 'di
Magpapatinag, ako'y hihindi
Kay raming bagay na maaaring pansinin
Bukod sa bulong mong tangayin na sana ng hangin
Ang iyong bulong walang puwang sa pandinig
Kung marinig ma'y, hindi
Walang tugon sa iyong darating
Lahat ng minamahal ko'y nandirito na
Patawad ang pakinggan ka'y di na kailangan pa
Sapat na ang lahat ng pakikipagsapalaran
Nangangambang sumugal kapag sinundan ka
Tungo sa kawalan, tungo sa kawalan
Tungo sa kawalan
O, bakit ba di ako patulugin sa gabi?
Ikaw ba'y nag-aabang na ako'y magkamali?
O sadyang ikaw lang ay isang katulad ko?
Batid na di 'to ang mundo para sa'yo
Araw ay lumilipas, mahika'y lumalakas
Hindi mo ba alam nais ka ring sundan
Tungo sa kawalan, tungo sa kawalan
Tungo sa kawalan
Nasaan ka? Nariyan ba?
Iparamdam! Ipakita!
San pupunta, 'wag iwang mag-isa
Pa'no ka susundan tungo sa kawalan
- Artist:Frozen 2 (OST)