Dreaming of You [Filipino/Tagalog translation]
Dreaming of You [Filipino/Tagalog translation]
Tuwing gabi 'pag ang mundo ay tulog na
Gising at iniisip ka
At nasa'n ka man, hiling sa bituin
Iniisip mo rin
Dahil nasa panaginip ka
At bukas mahigpit na yakap na
Wala nang iba na gustong makasama
Sa panaginip ay naro'n tayong dal'wa
Ako ba ay iyong nakikita
Nar'yan ako'y alam kaya
Tumingin ka sa 'kin
Kita mo ba'ng saloobin
Iyo kayang alalahanin?
Gusto lang na mahagkan ka
Ngunit sa panaginip na lang muna
Kaya't naghihintay
Tapang na taglay, sabihing mahal kita
Oo, sinta!
Nasa panaginip kita
At bukas ay yakap-yakap ka na
Wala nang iba na gustong makasama
Sa panaginip ay naro'n tayong dal'wa
Tuwing gabi 'pag ang mundo ay tulog na
Gising at iniisip ka
'Di makapaniwala
Na ika'y lumapit at sinabing mahal kita
Mahal din kita!
Ngayo'y nasa panaginip ka
Bukas at buong buhay pa
Wala nang iba na gustong makasama
Sa panaginip lagi ka nang kasama
- Artist:Juris Fernandez
- Album:Dreaming of You