Magda lyrics

Songs   2024-11-24 18:44:06

Magda lyrics

[Rico]

Magdalena anong problema?

Bakit di ka makawala sa kadena?

At sa gabi-gabi ikaw ay nasa selda ng hanap buhay mo ngayon

Magdalena anong problema?

Alam naman natin na dati kang nena

at sa iyong ama'y ikaw ay prinsesa

Anong nangyari sayo?

Ito'y kwento nang isang babaeng

tulog sa umaga, gising sa gabi

Ang kanyang mukha'y puno ng kolorete

sa lugar na ang ilaw ay patay sinde

Simulan nating ang istorya

[Gloc-9]

Ako'y kanyang matalik na kaibigan

Ernesto ang aking pangalan

Kwentong dapat niyong malaman

Wag nang magbulag-bulagan

Bakit ang nais natin ay malaman ang baho ng iba?

Pagbibigyan kita

Kilala mo ba si Magda?

Na aking kababata mula pa ng pagkabata

Kami laging magkasama, mga bangkang papel sa sapa

Kanyang ngiti lumiliwanag ang paligid

at pag siya'y dumadaan, mga leeg ay pumipilipit

Ubod ng ganda noong siya ay nagdalaga

Tuwing kausap ko na, malimit akong tulala

Kahit may nararamdaman, pinilit kong isara ang bibig

at pintig ng puso para sa kanya

At sa sayawan, matapos kaming makapagtapos

dahil pinawis ang mukha ako ay nagpunas ng pulbos

kahit parang hindi pantay ay nagmamadaling hinila

pinakilala niya lalake na taga-Maynila

[Rico]

Magdalena anong problema?

Bakit di ka makawala sa kadena?

At sa gabi-gabi ikaw ay nasa selda ng hanap buhay mo ngayon

Magdalena anong problema?

Alam naman natin na dati kang nena

at sa iyong ama'y ikaw ay prinsesa

Anong nangyari sayo?

[Gloc-9]

Maraming taon ako'y nalipasan

Pinilit ko mang takasan

bagkos ay aking nalaman ang tunay kong kailangan

Di ko maibaling ang pagtingin ko sa iba

Minamahal ko siya, hahanapin ko si Magda

Lumuwas habang nagdarasal na maabutan

sa lugar na ang sabi'y kanyang pinagtatrabahuan

Nakita kong larawan niya na nakadikit sa pintuan

Iba man ang kulay ng buhok di ko malilimutan

Ang kanyang mata at tamis ng kanyang ngiti

at dahil ubod ng saya hindi na nagatubili

Agad pumasok sa silid pero bakit ang dilim?

Madaming lamesa't mga nag iinumang lasing

Nang biglang nagpalakpakan may mabagal na kanta

Sa maliit na entablado, ay nakita ko na

Ako ay nagtaka, nagtanong, nagkamot

Bakit siya sumasayaw na sapatos lang ang suot?

[Rico]

Ito'y kwento nang isang babaeng

tulog sa umaga, gising sa gabi

Ang kanyang mukha'y puno ng kolorete

sa lugar na ang ilaw ay patay sinde

Ituloy natin ang istorya

[Gloc-9]

Agad siyang sumama sakin walang kakabakaba

ang trato nya sakin ay nobyo, tila katakataka

Bumaba sa taxing pinara sa may Sta. Mesa

Parang ako'y bida sa mga sumunod na eksena

Kung ito ay panaginip ayaw ko nang magising

ngunit ako'y nanaginip umaga na nang magising

Ang naabutan ko lamang ay may sobre sa lapag

liham para sakin na isinulat nya magdamag

Kahit gulong-gulo ang isip, pinilit kong basahin

di malilimutan ang mga sinabi niya sa akin

[Jennylyn & Gloc-9]

Mahal kong Ernesto, alam kong tulog mo'y malalim

Di nako nag paalam, di na kita ginising

Salamat nga pala sa pasalubong mong *Kalamay

at sa pinakamasayang gabi ng aking buhay

Nung iniwan ko ang baryo natin ang akala ko

isang tunay na pag-ibig ang matatagpuan ko

Hinanap kung saan-saan at kung kani-kanino

di ko inakalang ito ang kahahantungan ko

Imbes na ako'y sagipin, itinulak sa bangin

Ito palang ibig sabihin ng *kapit sa patalim

Kung mabaho, sabunin. Kung makati, gamutin

Kung hindi na masikmura ay ibaling ang tingin

Kahit ako ay bayaran at kaladkaring babae

Alam ang amoy ng laway ng iba't ibang lalake

Isa lang ang kaya kong sayo'y maipagmalaki

ikaw lang ang bukod tanging hinalikan ko sa labi

Gusto ko mang manatili sayong mga yakap

Ako ma'y natutuwa dahil ako'y iyong nahanap

Wala na yatang walis ang makakalinis ng kalat

at ang katulad ko sayo ay di karapatdapat

Pinagarap kong sa altar ako'y iyong ihatid

ngunit sa dami ng pait ang puso ko'y namanhid

Di ko makakalimutan ang pabaon mong halik

pero pakiusap huwag ka na sana pang babalik

Regalo ng may kapal na ikaw ay makilala

Salamat sa alaala. Nagmamahal, Magda

[Rico]

Magdalena anong problema?

Bakit di ka makawala sa kadena?

At sa gabi-gabi ikaw ay nasa selda ng hanap buhay mo ngayon

Magdalena anong problema?

Alam naman natin na dati kang nena

at sa iyong ama'y ikaw ay prinsesa

Anong nangyari sayo?

Ito'y kwento nang isang babae.

  • Artist:Gloc-9
  • Album:Liham at Lihim
See more
Gloc-9 more
  • country:Philippines
  • Languages:Filipino/Tagalog, Tagalog (dialects), Kapampangan
  • Genre:Hip-Hop/Rap
  • Official site:http://www.glocdash9.com/
  • Wiki:https://en.wikipedia.org/wiki/Gloc-9
Gloc-9 Lyrics more
Gloc-9 Featuring Lyrics more
Excellent Songs recommendation
Popular Songs
Copyright 2023-2024 - www.lyricf.com All Rights Reserved