Iwanan Mo Na Siya lyrics
Iwanan Mo Na Siya lyrics
Hindi mo ba alam?
Na kriminal yang boyfriend mo
Nakita ko siya dati
Nagtitinda ng drugs sa kalye
Magingat ka, sinta
Wag kang basta magtitiwala
Hindi mo ba napapansin
Parang ang hina nyang kumain
Baka naman nagshashabu
Mabuti pa ipakulong na natin
Sindikato tatay nyan
Kaya siguro siya mayaman
Koro:
Wag ka sanang maniwala sa mga katulad nya
Di ka dapat magtiwala at iwanan mo na sya
Sapagkat mahal kita
At walang ibang magagawa
Kundi sirain ang pangalan niya, sinta
Nakwento ko na ba giliw?
Na ang boyfriend mo ay may pagkabaliw
Mahilig siyang kumain
Ng basura at buhangin
Ano ngayon kung pogi sya
Mukha naman syang kontrabida
Wag mo sanang sasabihin
Na nanggaling sa akin ang lahat ito
Ang sabihin mo na lamang
Ay may nagtext sa iyo
At di mo alam kung sino
(Ulitin ang koro)
- Artist:Parokya ni Edgar
- Album:Bigotilyo
See more