I See the Light [Filipino/Tagalog translation]
I See the Light [Filipino/Tagalog translation]
Rapunzel
Mga araw na nagmamasid sa bintana
Mga taong nakadungaw lang
Mga oras na 'di man lang nalaman
Nagbubulag-bulagan lang
Ngayo'y narito, kumikislap sa mga tala
Ngayo'y narito, nakikita ko na
Nakatayo, malinaw na
Dito ang aking tadhana
Nang liwanag natanaw
Tila hamog ay natunaw
Nang liwanag natanaw
Tila langit ay bumughaw
Mainit at tunay at napakalinaw
Tila mundo'y biglang gumalaw
Bigla na lang ang lahat ay nag-iba
Ngayong nakita ka na
Eugene (Flynn)
Mga araw na hinahabol ang pangarap
Mga taong malabo ang buhay
Mga oras na 'di man tunay na nakikita
Mga bagay, kung ano ba talaga
Siya'y narito, kumikinang sa mga tala
Siya'y narito, ngayon alam ko na
Kung siya'y narito, malinaw na
Dito dapat magpunta
Rapunzel & Eugene (Flynn)
Nang liwanag natanaw
Eugene (Flynn)
Tila hamog ay natunaw
Rapunzel & Eugene (Flynn)
Nang liwanag natanaw
Rapunzel
Tila langit ay bumughaw
Rapunzel & Eugene (Flynn)
Mainit at tunay at napakalinaw
Tila mundo'y biglang gumalaw
Bigla na lang ang lahat ay nag-iba
Ngayong nakita ka na, ngayong nakita ka na
- Artist:Tangled (OST)
- Album:Tangled: Original Soundtrack (2010)