Buhay sa Amerika [English translation]
Buhay sa Amerika [English translation]
Kung lunes hanggang Biyernes sa trabaho abala,
kung Sabado habang nagpapahingay naglalaba.
at kung Linggo kadalasan ay nagtitinda pa
ng kung ano-ano basta alam na kikita.
Sa dami ng mga binabayarang hulugan
hanggang sa pagtulog nagbibilang ang isipan.
Bagay na totoo at hindi kataka-taka,
marami ang ganyan ang buhay sa Amerika.
O ang buhay sa Amerika,
hindi laging langit at hindi laging masaya
lalo na kung malayo sa iyong minamahal
oras, araw, buwan, taon ay parang mabagal.
O ang buhay sa Amerika,
hindi laging langit at hindi laging sagana
kaya doon sa nangangarap na dito tumira
isa, dalawa, tatlong beses na mag-isip muna.
Ditoy pauutangin ka hanggang sa mabaon,
susubsob ka sa hanapbuhay para umahon.
Inaasahang suweldo kahit gaano kataas
lumiliit matapos na ang buwis ay makaltas.
Ditoy marami rin nagtatagot tumatakbo
dahil sa ang papel nilay hindi pa kumpleto.
Mayrong napipilitang sa kanoy magpakasal
maging legal lamang kahit na yung kanoy bungal.
O ang buhay sa Amerika,
minsan ay malungkot, minsan ay katawa-tawa
At kung ako lamang ang siya ninyong tatanungin,
kung minsan ay mabuti pa ang naroon sa atin.
O ang buhay sa Amerika,
hindi laging langit at hindi laging maganda.
Ang kainaman lang ay kung ating pagsawaan
mayrong bansa tayong tiyak na mau-uwian.
Bayan kong Pilipinas tayoy kanyang tatanggapin kahit anong oras.
- Artist:Florante